*This past few months, ang daming bumabagabag sa isip ko. Andaming mga bagay na kinailangan kong gawin. Ang daming mga bagay na kinailangan ng atensyon ko.
Isang araw, umattend ako ng LIFE party namin sa SOD. Masaya ang LIFE. Super refreshing. Super feel ko ang presence ni God. May nagkwento about sacrifices na nagawa niya sa buhay niya. She said she was from UP, EL major ata, if I'm not mistaken. Hindi man ako familiar sa course na 'yon, alam kong mahirap. After all, UP graduate pa din sya. Nagwork daw siya sa isang malaking company. Mataas na sweldo. Magandang trabaho. Nagagamit niya ang pinaghirapan niyang pag-aralan for how many years. Pero she gave up the work. Nag-resign ata siya. Para magwork sa church. I was not surprised on the outcome of the story. Alam ko na dun hahantong 'yun and I admired her. Sabi ko, sana dumating ang panahon na kaya kong isacrifice ang lahat para sa kanya. Para kay God. I hope it will come. I know it will come. Pero hindi ko alam kung kailan. Basta ang alam ko, hindi pa ata ngayon 'yun. I love Jesus. I love him so much that it makes me shiver but in a good way :D Pero ang buhay na pinangarap ko mula bata pa ko, hindi ko ata kayang isuko 'yun ng basta-basta. Si ate na nagwork sa church, I admire her so much. Ang laking sacrifice ng ginawa niya. Ilang taon kang naghirap sa UP then hindi mo magagamit ng buong-buo ang napag-aralan mo. Grabe 'yun di ba? Pero hindi 'yun ang point di ba? Ang importante ay masaya siya sa church. Masaya syang paglingkuran si God. 'Yun ang destiny nya.
Naikwento ko 'to kay mama dahil super hanga ako kay ate. Syempre pag hinahangaan mo, ikikwento mo sa iba di ba? Nagulat si mama. At kasabay ng pagkagulat niya ang pagkagulat ko sa ipinakita nyang reaction. Sabi nya pa, “bakit sya nagwork sa church?! Sayang ang pinag-aralan niya!!! Tsaka di ba mababa lang naman ang sweldo dun?” Sa gulat ko, ang nasabi ko lang “Ewan. Ganun talaga. May **calling sya ni God eh. ” I wasn't satisfied with my answer. Hindi ko man lang naipagtanggol ang taong hinahangaan ko. At sa facial expression ni mama, alam kong hindi sya naniniwala sa “calling” na tinutukoy ko.
Few months later, may nasagutan akong psychological test sa internet. May tanong dun na hindi ko malilimutan. Whom do I resemble the most daw sa bible. Si Abraham, na kayang i-sacrifice ang lahat ng walang pag-aalinlangan kay God? Si Moses na super doubtful kay God? Si Adam na natakot at nagtago kay God nung may nagawang kasalanan? Or si Jacob na ***nalimutan ko ang description? Sorry!
Syempre hindi ako si Adam. Hindi naman kaya ako nagtatago kay God! Sya nga ang takbuhan ko eh! (Kailangan talaga may exclamation point di ba?) Syempre hindi di ako si Jacob, nalimutan ko nga kung anong ginawa nya eh :)) At namili ako kay Abraham at Moses. Nabasa ko na yung kwento ni Abraham. Alam ko sa sarili kong hindi ako ganun. Pag hiningi ni Lord ang bagay na pinakapinahahalagahan ko, siguro magdadalawang-isip akong ibigay. Dun sa story ni Abraham, super agree lang sya. As in, okay Lord ioofer ko po sya sa inyo. Grabe! He's been longing fot that child. He's been waiting for Isaac. He loved his son so much na feeling ko hindi nya kayang i'sacrifice ang bata as a BURNT offering. But he is willing to. Grabe pa nga si God eh. Super in'emphasize pa nya yung “your BELOVED SON, your ONLY SON, Isaac ”. Grabe talaga. Kung ako dun baka I questoned God pa. Lord, bakit naman po sya pa? Iba na lang Lord. But Abraham was right. Isaac was GIVEN BY the Lord. The Lord God has ALL the rights to have him back. So ayun nga. I ended with Moses. I doubt in God's powers. I always think na baka hindi ko kaya. Baka.
Kinuwento ko 'yun sa room mate ko. Akala nya nga ata si Abraham ang pipiliin ko. Andami ko nang naikwento sa kanya. Mga bagay na sa kanya lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin. Kaya naman madami syang alam sa akin. Sa personal na buhay ko. Kaya akala nya siguro si Abraham ang pipiliin ko. Akala nya. Tinanong nya ko kung bakit hindi si Abraham ang pinili ko. Hindi ko naman kayang i'sacrifice ang lahat para sa kanya eh. 'Yun ang sagot ko. Pag sabihin ni Lord sakin na i'sacrifice ko ang acads ko, hindi ko alam kung magagawa ko. Pag sinabi nya sakin na ihinto ko na ang pag-abot sa mga pangarap ko, hindi ko alam kung kaya ko nga bang gawin. Hindi ko talaga alam. Ang wish ko na lang 'wag dumating ang oras na hingin ni Lord sakin 'yun. Hingin ni Lord ang pinaka-importanteng bagay sa buhay ko. Hindi man ako GC. Hindi man ako US at CS. Hindi ko man nauuno ang lahat ng subjects ko, masaya na ko na UP student ako. UP pa din yun. Pumapasa. Nakakaraos din. Oo, gusto kong magserve kay God. Pero, kaya ko naman pagsabayin ang acads ko at ang paglilingkod ko kay God eh.
“God will sometimes break the strongest bone in your life when you think you are very strong...”
Grabe 'tong quote na 'to. I realized something dahil dito. (Salamat Louis!) At hindi ko yun marerealize kung hindi yun ginawa sakin ni God. Yes. God broke the 'strongest' bone in me. Pinilit kong ayusin. Pinipilit kong ayusin. But THE MORE I INSIST, THE MORE HE TRIES TO CRASH IT. Ang sakit naman. Ang sakit sakit.
Eto ako. UP student. Computer Science Major. CavSci graduate. La Salle supervised pa ang elementary school ko. Sabi nga ni mama, wala daw akong dapat ikahiya. Ang ganda ng educational background ko. BE PROUD, ika nya. I wasn't proud of being a Lasallian. I wasn't that proud of being a CavScian. But, I must admit, I am so proud of being an ISKOLAR NG BAYAN. Your taxes, My education. I wasn't an over achiever. Ordinary student lang ako na nangarap, nag-UPCAT at pumasa. Hindi ko akalain na dito. Dito sa school na 'to. Dito sa UP, ibibreak ni God ang bone na pinaghirapan kong tadtarin ng calcium :P
The strongest bone in me was my acads. Kontento na ko na nasa mean lang ako, basta pasado. Basta pasado. Basta pasado. First year pa lang binanatan na ko ni God eh. Pinilit kong ayusin. Pero ayun, lalo pang nilakasan ang hampas. Kaya eto. Naiiyak na ko. Naiiyak na talaga ko. Sana sa ibang prof na lang ako napunta. Petiks lang sila. Madali lang. No sweat. Tapos eto ako, hirap na hirap. Dugo na ang pinapawis ko. Grabe dapat pinalitan ko na lang yun nung enrollment eh. Pero hindi ko ginawa kasi HE had a greater plan for me, I believe. Kaso tagilid eh. Tagilid talaga. Nakakainis. Pinaghirapan ko at napunta lang sa wala. Tinanong ko so God
Now, I don't care about my acads. Ulitin kung uulitin. So what? Kaya ko 'to! Kakayanin ko 'to! Hindi natin dapat i'question ang plans ni God for us. Believe me, in this way, we will grow. Wow. Nagmature nanaman ata ako. HAHA. And I'm loving God more.
Kaya ikaw! Oo, ikaw nga! Kung hindi si God ang sentro ng mundo mo, wag mo nang hayaan dumating pa sa oras na kunin nya sayo ang bagay na pinakapinahahalagahan mo! 'Wag mong hintayin na i'break pa nya ang strongest bone mo. Masakit 'yun! Promise! Pero mas okay yun. If I didn't experience pain, how would I possibly know that God is a healer di ba? Kaya ikaw, gawin mo nang siya ang strongest bone mo. Not your ACADS. Not your FAMILY. Not your FRIENDS. But GOD! Co'z nothing can break him. Nothing :D
* I made this on 10-01-10. Late ko lang nailagay sa fb :D
** Calling yung gamit ko dati. Which is so wrong!!!! Hindi yun nadadaan sa calling! Its your love for God :D At si Ate Luanne pala sya. :D
*** Naalala ko na si Jacob. He wrestled with God :D Hindi ako like Jacob kasi I follow God's plans so much. Kung katulad ako ni Jacob edi baka hindi ako ComSci ngayon :P
No comments:
Post a Comment